Seryoso ang probinsiya ng Tagum, Davao Del Norte na maging host sa 2015 Palarong Pambansa.
Sinabi
ni Davao Del Norte Governor Rodolfo del Rosario na gagawin nila ang
lahat upang masungkit sa unang pagkakataon na maging host sa ika-58
edisyon ng taunang torneo na nilalahukan ng mga batang atleta sa
elementarya at sekondarya mula sa 17 rehiyon sa bansa.
“All
out na ang aming campaign for the hosting,” sinabi ni Del Rosario sa
isang mataas na opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC). “We had
started our drumbeating and other form of campaign for our full blast
target of being chosen as host of 2015 Palaro.”
“We are finalizing
the documents needed by the Department of Education. Everything that
they required is now almost finished. We are ready come the official
presentation,” giit pa ni Del Rosario.
Nakatakda namang simulan
ang bidding para sa pagiging punong-abala sa 2015 Palaro sa Agosto kung
saan ang submission ng official bid ay sa Hunyo. Ihahayag naman ang
magwawaging host sa Oktubre.
Ipinagmamalaki ng Tagum ang makabago
nilang stadium na ginastusan ng P350-milyon. Magkakatabi sa stadium ang
Olympic standard swimming pool, basketball gym at world class standard
na track and field oval na puwedeng pagsagawaan ng mga event sa gabi.
Mayroon din itong athletes village.
Makakaribal naman ng Tagum
City ang Koronadal City sa South Cotabato, (R-12), Cagayan de Oro City
sa Misamis Oriental (R-10), Surigao City sa Surigao del Norte (R-13),
Butuan City sa Agusan del Norte (R-13) at ang Tubod sa Lanao Del Norte.
http://www.balita.net.ph/2014/06/01/tagum-seryoso-sa-2015-palaro/ –
Angie Oredo
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.