Sunday, February 15, 2015

Dagupan athletes, tumanggap ng insentibo

DAGUPAN CITY– Kabuuang 281 mga atleta sa Dagupan na sasabak ngayon sa Region 1 Athletic Association (R1AA) meet ang tumanggap muna ng kanilang cash allowance sa pamahalaang lungsod bago tumulak sa Manaoag National High School.

Ang bawat isa ay nabigyan ng P2,000 maliban pa sa kanilang meal at tranportation allowances.

Ito ay bahagi lamang ng pangangalaga at suporta ni Mayor Belen T. Fernandez upang lalong ganahan ang mga atleta na makikipagtagisan sa kanilang mga isport.

“She would like to assure our athletes na alagang-alaga natin sila sa sasalihan nilang event,” pahayag ng ilang opisyal ng lungsod.

Maliban sa cash ay tumanggap din ng bagong uniporme at sports equipment ang mga atleta. 

“We have provided them new sports equipment and shoes which they can use for their practice and training to boost their confidence after the mayor personally saw them in one of their training sessions that the equipment they are using are already torn and worn out,” dagdag pa ng sports official.

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.