Posibleng opisyal na simulan ang 2015 Palarong Pambansa sa Abril 4 sa isang makulay at natatanging seremonya.
Ito ang napag-alaman sa isa sa miyembro ng Palarong Pambansa
Management Committee matapos ang isinagawang dalawang araw na Final
Technical Conference noong Marso 26 at 27 sa Big 8 Corporate Hotel sa
Tagum City.
Orihinal na gaganapin ang 2015 Palarong Pambansa sa Mayo 3 hanggang 9
bagamat nais ng host Davao del Norte ilarga ang opisyal na seremonya sa
Abril 4 upang mas mabigyan ng engrande at hindi malimutang ekspiriyensa
ang dadalong mga atleta at opisyales ng 17 rehiyon.
“The good Davao del Norte Governor wanted a memorable opening
ceremony to be witness by all of the athletes, coaches and officials of
the 17 regions,” sinabi ng ipinadalang miyembro ng Palaro Management
Committee ng Philippine Sports Commission (PSC) na si Alona Quinto.
Gayunman, hahataw agad ang unang mga laro sa iba’t ibang paglalabanang sports sa Mayo 3 (Linggo) bago sundan ng seremonya.
Mahigit sa 10,000 estudyanteng atleta mula sa elementary, sekondarya
at opisyales ang nakatakdang lumahok sa pinaka-aabangang Palaro kung
saan ay nakatayang paglabanan sa dalawang kategorya ang 23 sports.
Source: http://www.balita.net.ph/2015/03/30/makulay-na-2015-palaro-opening-target-sa-abril-4/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.