Nakahanda na lahat ng mga pasilidad at venues na pagdarausan ng 2016
Palarong Pambansa sa Abril 9-16 na lalahukan ng mga student-athletes.
Ito ang inilahad ng mga organizer ng 2016 Palaro sa paglagda sa
memorandum of agreement (MOA) noong nakaraang Lunes sa tanggapan ng
Department of Education (DepEd) sa Pasig City.
Karagdagang dalawang
bagong swimming pool at isang tennis court at isang grand stand ang
nakahanda sa main venue na Bicol University Sports Complex para sa
school-based multi-sports competition na gaganapin sa Albay sa ikalawang
pagkakataon sa loob ng 63 taon.
Nakatakda namang isagawa ang mga indoor sports sa ilang mga pribadong
paaralan sa Legazpi partikular na sa St. Agnes Academy, Aquinas
University at Divine Word College.
Kumpiyansa ang mga organizer ng Palaro na magiging matagumpay ang
pagdaraos ng national event na lalahukan ng 17 rehiyon na inaasahang
makakatulong ng malaki para mas lalo pang lumakas ang turismo sa
lalawigan.
Tinatayang aabot sa mahigit 10,000 kabataang atleta, coaches,
trainers at mga magulang bukod pa sa mga kagawad ng media ang dadagsa sa
Albay para sa Palaro.
“We really worked hard since we won the bidding last October 28,
2015, ’yung facilities naman na-procure na namin implementation na lang
ang kulang. And we really want this to be a touristic Palaro,” ayon kay
Albay governor Joey Sarte Salceda.
“Ang Albay naman sa sports na indoor we have the facilities kasi puno
kami ng Catholic schools and sa outdoor naman oval lang ang kulang
which is provided already,” dagdag pa nito. “Sports tourism is our jump
off point. Unang-una, tourism naman kasi ang most horizontal industry.
In tourism at least five jobs are created sa short term pa lang ’yun.”
“Our aim is to showcase the beauty of Albay secondary to prove to
ourselves that we can host the Palaro,” wika pa ng gobernador. (Marivic
Awitan)
Source: http://balita.net.ph/2016/01/27/albay-handa-na-sa-2016-palarong-pambansa/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.