BAGUIO CITY – Maipagmamalaki ngayon ng pamahalaang lungsod sa mga
atleta ang makabago at modernong sports facility ng Athletic Bowl at
handing-handa na para magamit sa gaganaping Cordillera Administrative
Region Athletic Association (CARAA) meet sa Pebrero 8.
Tiniyak ni Congressman Nicasio Aliping,Jr., na magagamit ng mga
atleta, lalong-lalo sa field events ang Athletic Bowl na pinaganda para
mas lalong maging agresibo ang mga manlalaro sa darating na
pang-rehiyong kompetisyon.
Personal na
ininspeksyon ni Aliping ang nasa 90% na ng rehibilitasyon na Athletic
Bowl, na inumpisahan na ang paglalagay ng rubberized tartan sa may 400
meter na oval sa tulong ng mga Taiwanese engineer na inaasahang
matatapos bago maganap ang CARAA.
“ Maganda na ang weather, kailangan kasi ay mainit ang panahon at huwag sanang umulan para matuloy na matapos ito.
Kailangan ito ng ating mga atleta,lalo na sa mga field events at ito
ay ating binabantayan para masiguro na magagamit ito sa CARAA,” pahayag
ni Aliping.
Ang rehabilitasyon ng Athletic Bowl ay sinimulan noong 2014 na
kinabibilangan ng Phase 1-ang pagsasaayos ng mga main bleacher , Phase 2
– ang pagsisemento ng oval at mga drainage system at bakod at ang Phase
3 -ang paglalagay ng rubberized tartan tracks, na pinangasiwaan ng
Department of Public Works and Highway sa ilalim ng RU Aquino
Construction, bilang contractor.
Ang kabuuang pondo na P115 milyon na ginamit sa rehabilitasyon ay
mula sa national government mula sa initiative ni Congressman Aliping.
Samantala, hinihintay pa ang pagri-release ng counterpart ng siyudad
na P60 milyon para sa pagpapaayos ng mga bleachers, lightings, sound
system at iba pang pasilidad.
Source: http://balita.net.ph/2016/01/08/modernong-athletic-bowl-handang-handa-na-sa-caraa/ (Rizaldy Comanda)
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.