Saturday, April 25, 2015

Billeting sites ng Palaro delegations, kaaya-aya

Binigyan buhay ng elementary at high schools na magsisilbing billeting sites para sa 2015 Palarong Pambansa ang tema ng event na “Breaking Borders, Building Peace.”

Pinagdugtong na ngayon sa pamamagitan ng ‘Palaro pathways’ ang campuses ng elementary at high school na dating magkahiwalay at nahahati ng mga kongkretong pader at bakod.

Nasiyahan naman si Governor Rodolfo del Rosario nang makitang tinibag ng mga administrator ang isang bahagi ng kanilang mga bakod para kumunekta sa iba pang campus.

“Our billeting quarters exemplified our theme in the literal sense when bordering elementary and high schools opened their fences to connect their campuses,” ani Del Rosario.

Binisita ng gobernador ang mga pinag-ugnay na paaralan na gagamiting billeting areas ng mga delegado upang masiguro ang first-rate hosting ng lalawigan sa pinakamalaking sporting event sa Mayo 3-9.

Sinabi rin ng gobernador na ang mga entradang ginawa sa mga bakod ay makatutulong para mapadali ang pakikisalamuha ng mga delegado sa kanilang mga kapwa delegado. 



http://www.balita.net.ph/2015/04/25/billeting-sites-ng-palaro-delegations-kaaya-aya/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.