Ang mga nangungunang korporasyon sa Davao del Norte at sa buong
Davao region ay nagpahayag ng kanilang suporta para magarantiyahan ang
tagumpay ng pagdaraos ng 2015 Palarong Pambansa sa susunod na buwan.
Ang mga nangunguna sa larangan ng kalakalan sa rehiyon —Tagum
Agricultural Development Company, Inc. (TADECO), Damosa Land, Davao
Packaging Corporation(DPC), Davao International Container Terminal,
Inc.( DICT) at Pearl Farm Beach Resort—ay nagbigay ng kani-kanilang
suporta sa organizers ng Palaro na gaganapin sa Mayo 3 – 9 para hangad
nilang tanghalin Ito na “Best Palaro Ever.”
“We are not only thankful but also very proud of their generous
support for the Palaro,” ani Davao del Norte Governor Rodolfo del
Rosario. “With their help, we are on track to out objective: to stage
the best Palaro ever.”
May 15,000 mga atleta at opiyales bukod pa sa mga turista ang
inaasahang dadagsa sa Davao del Norte para sa Palaro na tatampukan ng
kompetisyon sa 17 regular at limang demonstration sports sa primary at
secondary levels.
Inilunsad ang 2015 Palaro bago ang Holy Week break at nakakuha na ito
ng sunud-sunod at mga positibong mga reaksiyon mula sa Department of
Education (DepEd).
“We are looking at this year’s Palaro as the benchmark/standar for succeeding games,” ani DepEd Secretary Bro. Armin Luistro .
Nakatakda ang implementasyon sa kauna-unahang pagkakataon sa Palaro
ang comprehensive website (www.davnorpalaro2015.com) at ang
Olympic-style 2015 Palarong Pambansa Guidebook.
“Hosting the Palarong Pambansa is a privilege and it gives us—in
Davao del Norte—the opportunity not only to showcase our capability to
stage multi-sports competitions, but also how well the province and the
region have become in terms of business, economy and tourism,”
pagtatapos ni Del Rosario.
http://www.balita.net.ph/2015/04/06/top-companies-sa-davao-del-norte-suportado-ang-2015-palaro/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.