Tiniyak ang kaligtasan ng mga delegado at panauhin sa paglarga ng
Palarong Pambansa 2015 kung saan ay klinaro nila na walang anumang
bantang magaganap upang guluhin ang Palaro sa Mayo 3 hanggang 9 sa Davao
del Norte.
Siniguro ni Regional Peace and Order Council 11 Chair Mayor Rodrigo
Duterte ang mapayapang pagdating ng mahigit sa 15,000 mga atleta at
bisita mula sa iba’t ibang panig ng bansa na dadalo sa national games na
halos isasagawa mismo sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex sa
Tagum City sa lalawigan na ito.
Sa ginanap na pagpupulong ng RPOC-11 sa siyudad, ipinahiwatig ni
Duterte na ang threat level sa week-long Palaro ay tanging 3 lamang sa
scale na mula sa 1-10, na ang 10 ay ang pinakamataas na level ng
pagbabanta.
Subalit sinabi ng RPOC-11 chair na inimplementahan na niya ang
maximum security measures bagamat tinuran nito na mababa ang level ng
pagbabanta.
“The reaction of government is always the same be it 1 or 10 ang
security threat. I expect nothing but I am prepared for everything,”
pahayag ni Duterte.
Nanawagan din siya sa New People’s Army at iba pang armadong mga grupo na lubusang lumayo sa kasagsagan ng Palaro.
Subalit siniguro ni Duterte na kung mayroong mang mangyayaring
pagbabanta, hindi ito manggagaling sa hanay ng NPAs, na aniya’y ‘di
gawain ng grupo na magsagawa ng gulo lalo pa at may malaking kaganapan
sa lalawigan.
Ipinangako rin ng mayor na ang Davao City ay magkakaloob ng seguridad
at medical support, bukod pa sa nakalaan na P1-million financial
sponsorship na agad nang inihanda ng Davao del Norte, na ang layunin ay
sadyang makatulong sa ikatatagumpay ng Palaro.
Ang pagiging punong-abala ng Davao del Norte sa 2015 edition ng
pinakamalawak na school-based games ay suportado ng Tagum Agricultural
Development Company Inc. (TADECO), Damosa Land, Davao Packaging
Corporation (DPC), Davao International Container Terminal, Inc. (DICT)
at Pearl Farm Beach Resort.
Pinasalamatan naman ni Governor Rodolfo del Rosario si Duterte dahil
sa pagkalinga nito sa Palaro, partikular na sa inihandang plano para sa
kaligtasan ng mga delegado at bisita sa national games.
“I am personally at ease that we will be able to provide unparalleled
safety to everyone,” pahayag nito na aniya’y napakalaking kaluwagan
para sa lalawigan. “With the backing of the whole Davao Region, there is
no reason for us to fail.”
http://www.balita.net.ph/2015/04/23/kaligtasan-sa-palarong-pambansa-2015-siniguro-ni-mayor-duterte/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.