Isang sulo na sumisimbolo ng kapayapaan at psgkakaisa ang magsisindi
sa urno sa pagbubukas ng 2015 Palarong Pambansa sa Mayo 3- 9.
Ang sulo ay may tatlong bahagi na kinabibilangan ng itaas na may
imahe ng tambara, isang altar kung saan ang mga lumads ay naghahandog
ng kanilang mga alay sa mga anito, ang gitna naman ay gawa sa mga
orihinal na materyales na sagisag ng kukturang Muslim, kabilang na ang
sequins, at ang ibabang bahagi ay isa namang kalis na kumakatawan naman
sa Kristiyanismo.
Gawa ang kabuuan ng sulo sa kawayan, abaka at mga beadwork, ayon sa
designer nito na si Banjo Saporre Jr. ng Ford Academy of the Arts sa
Davao at dating production designer para sa teatro. Ang sulo ay tinapos
gawin sa loob ng apat na araw.
“The torch is inspired by the tri-people diversity of Mindanao which
the 2015 Palarong Pambansa has chosen to highlight,” ayon kay Davao del
Norte Governor Rodrigo del Rosario.
“Peace can exist in this diverse composition of the island.”
Ang Palaro na suportado ng Tagum Agricultural Development Company
Inc. (TADECO), Damosa Land, Davao Packaging Corporation (DPC), Davao
International Container Terminal, Inc. (DICT) at Pearl Farm Beach
Resort, ay magsisimula sa Mayo 3 sa Davao del Norte Sports and Tourism
Complex.
Magkakaroon din ng isang video na ipalalabas ang opening ceremony ng
2015 Palaro na magtatampok sa Philippine sports greats na sina Elma
Muros-Posadas at Eric Buhain at football star Yannick Tuason.
Idinirihe ni William Apa, ang video ay tatampukan din ng batang
atleta na si Kier James Maceren, isang football player na mula sa Davao
City, Roger Porton Jr., isang swimmer na galing ng Samal, at Mariafe
Basong, miyembro ng Talaingod DavNor Runners, ang Davao del Norte
athletics team na produkto ng sports program na nagsasanay sa mga
kabataang lumads para maging elite athletes.
http://www.balita.net.ph/2015/04/28/kapayapaan-pagkakaisa-sumisimbolo-sa-gagamiting-sulo/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.