Saturday, May 9, 2015

Albay to stage Palaro 2016 as a sports-tourism event

LEGAZPI CITY, May 1 (PNA) — Albay will host the 2016 Palarong Pambansa with a most welcome twist — a touristic adventure for participants and guests in the different venues of the week-long games, scattered around the most scenic places in the province.

Sports facilities for the Palaro are presently being constructed in various strategic sites of Albay’s three districts, all with a panoramic vista of the near perfect cone-shaped Mayon Volcano, which is now included in UNESCO’s World Heritage Sites tentative list. The facilities have an outlay of Php 850 million, Php 700 million of it from the national government approved by President Aquino early this year. Albay shells out the Php 150 million as counterpart.

The games’ main venue is the Albay Sports complex, in Guinobatan town, which will have an international standard oval track and a grandstand that could accommodate thousands of spectators.

Palaro 2016 also opens door to a titillating and mouth-watering culinary adventure for visitors. Albay’s cuisine now occupies a big role in the province’s tourism program, attracting huge crowds. They received overwhelming raves at the recent Madrid Fusion Manila, a global food fair held at the Mall of Asia.

Governor Joey Salceda said while the Palarong Pambansa is primarily a sports event under the Department of Education, it is also an opportunity for Albay—a leading tourism destination in the country—to showcase its hospitality and its global standard tourism sites to the sportsfest’s participants and guests.

Some 15,000 delegates from the country’s 17 regions are expected to join 21 Palaro events, apart from friends, families and visitors. “My guidance to Team Albay, the 2016 Palaro technical working group, is to design a “multi-venue” layout, that shall distribute participants in different sports sites around the province; so they can enjoy our global standard tourism areas while competing,” said Salceda. The 2016 Palaro is Albay’s second time to host the games in 63 years.

With sports tourism still toeing the strict standards of the games, Salceda said Albay plans to distribute the 21 events around the province so participants and visitors also get the opportunity to explore Albay’s best tourism destinations and specialties. Albay’s hosting the games along the line of sports tourism event may go down as first in the history of Palarong Pambansa.

Salceda is the first recipient of the Tourism Star Philippines Award given early this year by the Department of Tourism in recognition of his “exemplary contribution to the Philippine Tourism Industry.”

As the Philippines’ leading province in travel and tourism, Albay was featured at the March 10-13, 2015 Marche International Proffesionels d’Immobilier at the Palais de Festivals in Cannes, France and was featured in many national and international travel marketing sorties like the Berlin ITB 2012, London WTM 2013, Shanghai ITM 2013, and the Department of Tourism promotions in Hong Kong in 2014. (PNA)


RMA/JCN/RSM / http://balita.ph/2015/05/02/albay-to-stage-palaro-2016-as-a-sports-tourism-event/ By Johnny C. Nunez

20 bagong rekord, naitala sa Palaro

DAVAO DEL NORTE– Kabuuang 21 bagong rekord ang kasalukuyang naitala patungo sa huling araw ng kompetisyon sa 2015 Palarong Pambansa na ginaganap dito sa DavNor Sports and Tourism Complex sa Tagum City.

Anim na bagong rekord ang naitala sa athletics, tampok ang tatlong kinubra ng 16-anyos na si Jie Ann Calis ng Northern Mindanao sa track event habang 14 naman sa swimming, kasama ang limang rekord ni Maurice Sacho Ilustre ng National Capital Region (NCR).

Huling nagtala ng rekord sa athletics si Alexis Soqueno ng WVRAA na binura ang kanyang sariling 1.92 metro noong 2014 sa high jump. Inuwi nito ang ginto sa panibagong record na 1.95 metro.

Itinala naman ni Martin Esteban ng CLRAA ang bagong rekord sa Secondary Boys Triple Jump sa tinalon nitong 15.01 metro. Winasak nito ang dating rekord ni Mark Harry Diones ng Bicol Region na 14.44 metro noong 2010.

Ang bagong rekord ni Calis ay nagmula sa 800m, 1,500m at 3,000m.

Nagawa rin ni Efrelyn Democer na baguhin ang rekord sa Secondary Girls Javelin Throw sa pagbura sa dating rekord ni Stephanie Cimatu ng IRAA noong 2011 na 41.27 metro. Inihagis nito ang spear sa layong 42.34 metro.

Ikinasa naman ni Ilustre ang bagong rekord sa prelims at finals ng 200m butterfly (2:09.00 at 2:07.28), 400 medley relay (4:07.00), 800m free (8:50.34) at 100m butterfly (57.56).

Apat ang naging rekord ni Seth Isaac Martin ng NCR sa Elementary boys 100m backstroke (1:06.38), 4×50 medley relay (2:05.04), 400 medley relay (4:41.55) at 50m backstroke (29.64). 


http://www.balita.net.ph/2015/05/09/20-bagong-rekord-naitala-sa-palaro/

Calis, lumikha ng 3 bagong record sa athletics event

DAVAO DEL NORTE– Habang patuloy sa kanilang pananalasa sa swmming event ang tankers ng National Capital Region (NCR), isang long distance runner naman na mula sa Northern Mindanao Region ang lumikha ng ingay sa centerpiece event athletics matapos na walisin ang kanyang tatlong events sa pamamagitan ng record breaking performances sa pagpapatuloy ng 2015 Palarong Pambansa sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex dito sa Tagum City.

Winasak ng 15-anyos na incoming Grade 9 student na si Jie Anne Calis ng Looc National High School sa Plaridel, Misamis Occidental ang Palaro records sa secondary girls 800 meter run, 1,500 meter run at 3,000 meter run.

Unang binura ng 5-foot-0 na si Calis, isang consistent na honor student mula sa elementary kung saan siya nagtapos na valedictorian sa kanilang klase, sinira ng una ang record sa 800 meter run na dating hawak ni Angelica Josef ng Western Visayas Region (Region VI) na 2:17.2 na naitala noong 2013 Palaro, kung saan ay naorasan ito ng bagong meet record na 2:12.27.

Pumangalawa sa kanya si Feiza Jane Lenton ng Eastern Visayas (Region VIII) na naorasan ng 2:14.47 habang pumangatlo naman ang dating record holder na si Josef na nagtala ng 2:14.49.

Sumunod na binura ni Calis ang marka sa 1,500 meters na siya rin ang nagtala noong nakaraang taon sa Laguna na 4:45.20 matapos siyang magposte ng bagong meet record na 4:42.20 para sa gold medal kung saan inungusan niya ang local bet na si Mea Gey Adialaan Ninura na naorasan ng 4:44.62 at Josef na tumapos naman sa tiyempong 4:50.13.

Ang huling record na sinira ni Calis ay sa 3,000 meter run na 10:22.60 na ginawa ni Joida Gagmao ng Western Visayas noong 2013 makaraan niyang tapusin ang takbuhan sa oras na 10:10.16 para talunin ang silver at bronze medal winners na sina Ninura (10:11.13) at Joneza Mie Sustitudo ng Western Visayas (10:56.07).

Dahil sa effort na ito ni Calis, nanatiling nasa ikalimang puwesto ang Northern Mindanao sa overall medal standings na mayroon ng 14 gold, 8 silver at 18 bronze medals sa likod ng patuloy pa ring namamayagpag na NCR na may 34-28-29, kasunod ang Southern Tagalog Calabarzon Region (Region IV-A) na may 28-33-28 at ang Cordillera Administrative Region (CARAA Region) na may 16-16-9.

Ang 55 gold medals ng NCR ay galing sa 9 na nakuha nila sa elementary boys, 20 sa elementary girls, 13 sa secondary boys at 13 rin sa secondary girls kung saan ay halos kalahati nito o 24 dito ay galing sa swimming.

Matapos humakot ng tig-walong gold medals sa unang dalawang araw, walong gold medals ulit ang idinagdag ng NCR sa kanilang kabuuang medal haul sa pangunguna ng nakaraang taong outstanding swimmer na si Maurice Sacho Ilustre na nakapagtala ng kanyang ikalawang bagong Palaro record sa 800 meter freestyle kung saan ay binura niya ang dating record na 8:58.36 na hawak ni Fahad Alkhadir ng host region DAVRAA matapos siyang maorasan ng 8:50.34 para sa kanyang ikatlong gold medal at ikalawang record.

Nagwagi rin siya sa secondary boys 100 meter butterfly para sa ikaapat niyang gold medal sa tiyempong 57.56 kung saan ay binura rin niya ang dating record na 58.13 ng kapwa niya NCR tanker na si Gabriel Castelo noong 2011.

Bukod kay Ilustre, nagsipagwagi rin ng gold ang NCR tankers na sina Yvoria Rosales sa elementary girls 50 meter backstroke (33.59), Seth Isaak Martin na nakopo ang kanyang ikaanim na gold medal sa elementary boys 50 meter backstroke (30.16), Camille Lauren Buico na namayani sa isa pang record breaking performance sa elementary girls 100 meter butterfly (1:06.91), ang kanilang elementary girls 200 meter freestyle relay team na nilangoy ang bagong meet record na (1:59.65) at ang kanilang secondary girls 200 meter freestyle (1:58.21).

Ang isa pang record na nabura ay sa secondary girls 100 meter butterfly at secondary boys 200 meter freestyle relay na itinala ni Regina Maria Paz Castrillo ng Calabarzon (1:04.41) at ng kanilang boys realy squad (1:42.11), ayon sa pagkakasunod.

Bukod naman kay Calis, humanay naman sa naunang record holder na si Martin James Esteban ng Central Luzon sina Efrelyn Democer ng Region X (Northern Mindanao) na nagtala ng bagong meet record sa secondary girls javelin throw makaraang mabato ang fiberglass spear sa layong 42.34 meters na bumura sa dating record na 41.27 meters na ikinasa ni Staphanie Cimatu ng Region I (Ilocos Region) noong 2011.

Nagposte rin ng bagong athletics record si Alexis Soqueno ng Western Visayas (Region VI) matapos muling magwagi sa kanyang paboritong event na secondary boys high jump sa kanyang tinalon na 1.95 meters na sumira sa record na siya rin ang gumawa noong nakaraang taon sa Laguna na 1.92 meters.

Sa taekwondo, na ginaganap naman sa ground floor ng Gaisano Mall dito sa Tagum City, nakatatlong gold medals ang Central Luzon Region sa pamamagitan nina Vincent Van de Castro, Jerome Ira Amado Santos at Mark Eledir David sa kyorugi 128-1136 cm., over 136 cm at over 144 cm., ayon sa pagkakasunod.

Dalawang gold naman ang Region X (Northern Mindanao) sa pamamagitan nina Mohammed Macatoon sa over 152-160 cm. at Prince Mohammed Perdatuin sa over 160-168 cm.

Nagwagi naman ng tig-isang gold ang CARAGA region, Cagayan Valley Region, Autonomous Region of Muslim Mindanao at Cordillera Administrative Region.

Nanalo para sa CARAGA si Richard John Ulat sa kyorugi 120-128 cm., nanalo naman para sa Cagayan Valley si Vince Christopher Guzman sa poomsae individual Group A, si Datuh Salih Khazain Rayhan ng ARMM para sa poomsae individual Group B at ang koponan ng CAR sa poomsae team.

“Hindi ko po inaasahan, kasi ang talagang plano lang po ma-retain kung ‘di ko ma-break ‘yung record ko last year sa 1,500,” pahayag ni Calis.

“Napakasaya po, kasi ‘yung lahat-lahat ng pagod ko nagbunga na. ‘Yung pangarap ko nakuha ko na. Gusto ko po kasi makapag-gold doon sa tatlong individual events ko, ngayon may bonus pa dahil lahat record,” dagdag pa ni Calis na umaming muntik na siyang tumigil sa pagtakbo makaraang maapektuhan ang kanyang pagiging top 1 sa klase noong nasa Grade 8 pa lamang siya.

“Nag-second lang po kasi ako noon, pero nabawi ko naman po ulit,” dagdag pa ng ikatlo sa apat na anak ng magsasakang si Benigno at OFW sa Hong Kong na si Herminia na nakapagpatapos na ng kanilang panganay na anak na isa na ngayong nurse sa Saudi.


http://www.balita.net.ph/2015/05/09/calis-lumikha-ng-3-bagong-record-sa-athletics-event/

Archery at the 2015 Palarong Pambansa

Secondary Boys

Secondary Girls


Arnis at the 2015 Palarong Pambansa

Elementary - Boys


Elementary - Girls


Secondary - Boys


Secondary - Girls



Thursday, May 7, 2015

NCR, ‘di matibag sa liderato

DAVAO DEL NORTE- Kasabay sa pagkawasak ng anim pang swimming records, nagpatuloy pa rin sa pag-alagwa ang delegasyon ng National Capital Region (NCR) sa overall medal hall ng 2015 Palarong Pambansa dito sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex sa Tagum City.

Matapos humakot ng walong gintong medalya sa unang araw ng kompetisyon, naidagdag pa sa koleksiyon ng NCR tankers ang walong ginto upang mas umangat sa medal standings.

Habang sinusulat ang balitang ito, nakalikom na ang NCR delegates ng kabuuang 38 gold, 31 silver at 28 bronze medals para patatagin ang kanilang pamumuno.
 
Gaya rin sa ginawa nila sa artistic competition, hinakot din nila ang gold medals sa rhythmic competition sa gymnastics.

Matapos makopo ang dalawang gintong medlya, isang individual at isang team, nagwagi pa ng tatlong gold medal si Seth Isaak Martin para pangunahan ang pamamayagpag ng NCR sa pool matapos magwagi sa elementary boys 200 meter individual medley, 100 meter freestyle at 400 meter medley relay kung saan ay nagtala sila ng panibagong meet record na 4:41.55 na bumura sa naunang record na itinala nila sa preliminaries na 4:41.75.

Ang iba pang gold medal winners ng NCR sa day 5 ng swimming event at sina Miguel Barlisan sa secondary boys 200 meter breastroke (2:34.86) at 100 meter freestyle (54:85), Portia Kate Doragos sa secondary girls 200 meter breastroke (2:55.64), Jules Katherine Ong na nagwagi ng kanyang ikalawang gold sa pamamagitan ng record breaking performance sa elementary girls 100 meter freestyle sa tiyempong 1:02.28, ang kanilang elementary girls 400 meter medley relay team (4:56.21), at secondary boys 400 meter medley relay team sa pamumuno ni Sacho Ilustre sa isa na namang record breaking performance sa tiyempong 4:07.00.



http://www.balita.net.ph/2015/05/08/ncr-di-matibag-sa-liderato/

Medal Tally as of May 8 - 11:30am

2015 PALARONG PAMBANSA


Medal Tally as of May 7 - 9pm


Wednesday, May 6, 2015

Medal Tally as of May 7 - 11am


Salceda leads Albay athletes, delegates to Palarong Pambansa in Tagum City

TAGUM CITY: Albay Governor Joey Sarte Salceda personally led Albay athletes and official delegates in Tagum City, host of the 2015 Palarong Pambansa that started Monday afternoon. The Province of Albay has formally submitted its bid to host the 2016 Palarong Pambansa to Department of Education Secretary Armin Luistro. Salceda told the Philippines News Agency Wednesday that so far, only the Province in Albay has submitted a bid for 2016 Palarong Pambansa hosting. The host will be formally announced in June.

Gov. del Rosario, pinahalagahan ang mga atletang may kapansanan

DAVAO DEL NORTE– Madalas na hindi sila nabibigyan ng pansin at laging naisasantabi dahil sa kanilang kapansanan.

Subalit sa maaksiyong labanan sa 2015 Palarong Pambansa, binigyan ng halaga ni Governor Rodolfo del Rosario ang mga kabataang estudyante-atleta na kabilang sa mga differently-abled na pilit hinahangad na maging bahagi sila ng normal na kaganapan prestihiyosong Palaro sa bansa.

“Kasali din sila sa 2015 Palaro,” pagmamalaki ni Gov. Del Rosario.

“Sana naman ay bigyan natin sila ng atensiyon at espesyal na publisidad upang matulungan natin sila na maramdaman na kabilang din sila sa ating komunidad at karapat-dapat din na maging representante ng kanilang rehiyon,” giit ni Del Rosario.

Apat na sports, athletics, goal ball, bocce at swimming, ang pinaglalabanan sa Palaro Special Games na para sa mga differently-able athletes sa buong bansa na pinamamahalaan ng Philippine Sports Association for the Differently Abled—National Paralympic Committee of the Philippines (PhilSPADA-NPC).

Ipinaliwanag naman ni PhilSpada coordinator Dennis Esta na ang Palaro Special Games ang kanilang pinagkukunan ng mga pambansang atleta na kanilang inilalahok sa pang-eskuwelahang torneo na tulad ng ASEAN Schools Games at maging sa ParaGames at ParaLympics.

“Marami sa ating miyembro ng national team came from the Palaro. Hindi lamang tayo dito nakakadiskubre ng mga bata at mahuhusay na atleta kundi pati na rin sa mga naipapasok natin sa national pool,” sinabi ni Esta.

Kasalukuyan naman nangunguna sa kategorya ang Region VI-WVRAA na may 5 ginto, 5 pilak at 2 tanso, ikalawa ang IV-A STCAA (5-3-5) at ikatlo ang XI-DavRAA (5-3-3). Ikaapat ang NCRAA (3-5-6) habang ikalima ang I-IRAA na may naiuwing 3 ginto, 3 pilak at 1 tanso.


http://www.balita.net.ph/2015/05/06/gov-del-rosario-pinahalagahan-ang-mga-atletang-may-kapansanan/

Bicol bet, humakot ng 2 gintong medalya


DAVAO DEL NORTE- Tinanghal na unang double gold medal winner sa athletics competition ng 2015 Palarong Pambansa kahapon ang atleta na si Jason Jabol ng Region V (Bicol Region) sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex dito sa Tagum City.

Matapos magwagi ng kanyang unang gold medal sa ikalawang araw ng athletics event noong Lunes sa elementary boys triple jump sa kanyang tinalon na 11.80 meters, inangkin ni Jabol ang kanyang ikalawang gold medal sa long jump matapos makatalon ng layong 5.61 meters.

Binigo ni Jabol, ikasiyam sa labing-isang anak ng isang mangingisda mula sa Libmanan, Camarines Sur, ang naging pinakamahigpit na mga nakatunggaling jumper ng National Capital Region (NCR).

Tumapos lamang na pangalawa at pangatlo kay Jabol sina NCR bets Khart Berjuela at Jomartey Buen na nakatalon ng 5.54 meters at 5.49 meters upang maiuwi ang silver at bronze medals, ayon sa pagkakasunod.

Nakamit naman ng Ilocos Region (Region 1) ang una nilang gold medal matapos mamayani si Krysta Joyce Trinidad sa elementary girls long jump matapos tumalon sa layong 4.89 meters.

Pumangalawa sa kanya para sa silver medal ang Region XI (Davao Region) athlete na si Bernadeth Mendiola na naitalang 4.69 meters habang bronze medal naman si Recine Armamento na tumalon ng layong 4.68 meters.

Naramdaman na rin ng delegasyon ng NCR ang kampanya sa athletics nang maibigay ni Daniella Daynata ang unang gold medal sa centerpiece event makaraang manalo sa secondary girls discuss throw.

Naibato ng tubong Caloocan City na si Daynata ang discuss plate sa layong 32.07 meters upang maibigay ang ikasampung gold medal ng kanilang delegasyon sa taunang school-based multi sports competition.

Pumangalawa sa kanya si Kayla Bugatti ng Cordillera Administrative Region (CAR) na nakapagbato sa layong 30.70 meters habang kinumpleto naman ni Preciuos Artede ang 1-3 finish ng NCR nang angkinin ang bronze sa naiposteng 30.41 meters.

Sa chess, kinuha naman ng Northern Mindanao Region (Region X) ang dalawa pang gintong medalya sa blitz event sa pangunguna ni Me Ann Baclayon na siyang sumulong sa Blitz Individual at namuno rin upang makopo nila ang Blitz team gold.

Pumangalawa kay Baclayon sa Blitz Individual si Irish Yngayo ng host region Davao at pumangatlo si Cheyenne Aliena Telesforo ng Western Visayas.

Dahil sa kanyang panalo, humanay si Jabol sa mga nauna nang double gold medal winners na sina gymnasts Isabella Sta. Maria, John Romeo Santillan at John Ivan Cruz at chess player na si Daryl Unix Samantilla na pawang taga-NCR.

Samantala, tatlong araw pa lang ng kompetisyon ngunit muling tumanggap ang host Davao del Norte ng panibagong “A” grade mula sa Department of Education (DepEd).

“This has been the most organized and easiest to handle Palaro,” ayon kay DepEd Assistant Secretary Tonisito Umali sa unang Palaro Media Briefing sa Media Lounge ng Davao del Norte Sports and Tourism Complex.

“Credit goes to Ponyong [Sofonias Gabonada Jr., organizing committee chairman] and Giovanni Gulanes [Davao del Norte Sports Coordinator],” dagdag pa ni Umali.

Ang DavNor games ay suportado ng Tagum Agricultural Development Company Inc., Damosa Land, Davao Packaging Corp., Davao International Container Terminal Inc. at Pearl Farm Beach Resort.


http://www.balita.net.ph/2015/05/06/bicol-bet-humakot-ng-2-gintong-medalya/

Sariling marka, binura ni Esteban; NCR, ‘di maawat sa swimming event

DAVAO DEL NORTE– Dinuplika lamang ni Martin James Esteban ang kanyang marka sa nakaraang taong Palarong Pambansa sa Sta. Cruz, Laguna, ngunit sa pagkakataong ito ay nagtala siya ng record breaking performance sa secondary boys triple jump sa athletics competition sa Day 4 ng 2015 Palarong Pambansa sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex track oval dito sa Tagum City.

Sa ikalawang sunod na taon, natalo si Esteban, fourth year high school graduate sa Balitucan National High School, sa long jump event kay Jose Jerry Belibestre Jr. ng Western Visayas sa unang araw ng athletics subalit agad nakabawi sa triple jump kahapon nang wasakin nito ang dating Palaro record na hawak ni SEA Games bound national team member at 90th NCAA MVP Harry Diones na kumatawan sa Bicol Region noong 2010 na 14.44 meters.

Tumalon ang 6-foot-1 na si Esteban, anak ng isang magsasaka sa Magalang, Pampanga, ng 15.01 meters para sa bagong Palaro record.

Pumangalawa naman sa kanya si Kirk Cire Bacas ng Northern Mindanao na siya ring naging pinakamahigpit niyang katunggali noong nakaraang taon sa Laguna na nagtala ng 14.26 meters at pumangatlo ang Central Visayas bet na si John Marvin Rafols na nagposte ng 14.23 meters.

“Gusto ko po kasing mapasama sa national team at iprisinta din ang bansa natin sa international competitions,” pahayag ng incoming Education freshman student sa Angeles University Foundation na nauna nang nagwagi ng silver medal sa Asean Schools Championships noong nakaraang Disyembre kung saan ay isang Malaysian bet ang nagwagi.

Sa iba pang mga resulta, napasakamay rin sa wakas ng Southern Tagalog Calabarzon Region (Region IV-A) ang gold medals sa centerpiece event nang manguna sina Kenneth Rafanan sa secondary boys shotput (14.68m) at Gilbert Rutaquio sa secondary boys steeplechase (9:50.0).

Humanay naman sa double gold medal winners si Matt Atanas ng Western Visayas makaraang kubrahin ang kanyang ikalawang ginto sa elementary boys long jump sa kanyang tinalon na 1.63 meters. Una na nitong isinukbit ang gintong medalya noong Martes sa triple jump.

Nagdagdag din ng medal haul sa Region VI si Jamella de Asis nang mangibabaw ito sa elementary girls shotput matapos na itapon ang shotput sa layong 10.59 meters.

Gaya naman ng dati, nagsilbing mina ng ginto para sa delegasyon ng National Capital Region (NCR) ang swimming event matapos nilang hakutin ang 8 sa kabuuang 16 na events sa unang araw ng kompetisyon noong Martes ng hapon sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex pool.

Pinangunahan ng nakaraang taong Palarong Pambansa Best Athlete na si Maurice Sacho Ilustre ang pagdomina ng NCR sa pool matapos magwagi ng dalawang gold medal, isa sa pamamagitan ng record breaking performance.

Inangkin ng 15-anyos na si Ilustre, incoming Grade 10 student ng De La Salle Zobel, ang gold medal sa secondary boys 13-17 200 meter butterfly sa tiyempong 2:07.28 na bumura sa unang record na kanyang itinala sa heat na 2:09.00 at gumiba naman sa 17-taong record na 2:9.98 ni Carlo Piccio sa preliminaries.
Galing naman ang kanyang ikalawang gold medal sa secondary boys 13-17 400 meter freestyle matapos na maitarak ang tiyempong 4:11.18.

Maliban kay Ilustre, nagsipagwagi din ng gold medal sa NCR, na mayroon na ngayong pinagsamang 21 gold, 21 silver at 11 bronze medals habang sinusulat ang balitang ito, sina Katherine Jules Ong sa elementary girls 12 under 200 meter freestyle (2:17.28), Camille Lauren Buico sa elementary girls 12 under 50 meter butterfly (30.34), Seth Isaak Martin sa elementary boys 12 under 100 meter backstroke (1:07.01), ang kanilang elementary boys 12 under 200 meter medley relay (2:05.35), elementary girls 12 under 200 meter medley relay team (2:13.91) at secondary boys 13-17 200 meter medley relay team (2:13.91).

Sumunod naman sa kanila ang Region IV-A (Southern Tagalog-Calabarzon Region) na umani naman ng 6 gold medals sa unang araw ng swimming event sa pamamagitan nina Gwen Brynne Prejula sa secondary girls 13-17 400 meter freestyle (4:51.18), Arian Neil Puyo sa seoondary boys 13-17 100 meter backstroke (1:01.87), Nicole Meah Pamintuan sa secondary girls 13-17 100 meter backstroke (1:08.35), Mervien Jule Mirandailla sa elementary boys 12 under 50 meter butterfly (30.23), Regina Maria Paz Castrillo sa secondary girls 13-17 200 meter butterfly (2:29.24) at ang kanilang secondary girls 200 meter medley relay team.

Dahil dito, pumangalawa sila sa NCR sa medal standings na may 15 gold, 9 silver at 15 bronze medals kabuntot ang Western Visayas na may 13 gold, 9 silver at 13 bronze medals.
Pumang-apat naman sa kanila ang Cordillera Administrative Region na may 11 gold, 11 silver at 4 bronze medals.

Sa iba pang mga resulta, humakot ng dalawang gold medal ang Central Luzon sa pagsisimula ng archery competition sa pamamagitan ni Atanacio Pellicer III sa secondary boys 40 at 30 meters.

Inangkin nina Loren Chloe Balaoing ng CAR at Nicole Marie Tagle ng Central Visayas ang secondary girls 40 meters at 30 meters gold medals, ayon sa pagkakasunod.


http://www.balita.net.ph/2015/05/07/sariling-marka-binura-ni-esteban-ncr-di-maawat-sa-swimming-event/

Friday, May 1, 2015

Gun ban, ipinatupad sa DavNor

Ipinatupad ng Philippine National Police (PNP) ang gun ban sa lalawigan ng Davao del Norte para na rin sa seguridad ng mga delegado at mga manonood sa 2015 Palarong Pambansa.

Ayon kay DavNor Governor Rodolfo del Rosario, inaprubahan ng national headquarters ng PNP ang kahilingan ng lalawigan ng Davao del Norte na magpatupad ng gun ban.

“We were able to secure the PNP’s order for a gun ban in the province from April 20 to May 10, 2015,” ayon sa gobernador sa ginanap na pagbubukas ng Palaro Tiangge at Tourism Village.

Inilunsad ng punong lalawigan ang mga amenidad sa Davao del Norte Sports and Tourism Complex (DNSTC) para doon kumain, makapasyal at makabili ang lahat ng mga panauhin na hindi na kailangan pang lumayo sa main playing venue.

At kaugnay sa kanilang hangad na kaligtasan para sa may 20,000 mga atleta, opisyales at mga panauhin na dadagsa sa kanilang lugar, may itinalaga silang 2,000 security forces sa paligid ng playing sites, billeting quarters at iba pang strategic areas.

Binigyan ng direktiba ni Police Director Ricardo C. Marquez, hepe ng PNP Directorate for Operations, si Police Regional Office-11 Regional Director Police Chief Superintendent Wendy Garcia Rosario na makipag-ugnayan sa pamahalaang panlalawigan at sa pamahalaang lungsod ng Tagum sa pagpapatupad ng suspension of validity of permit para sa ‘di pagdadala ng baril sa labas ng bahay ng sinuman sa kabuuan ng duration ng Palaro na sinusuportahan ng Tagum Agricultural Development Company Inc. (TADECO), Damosa Land, Davao Packaging Corporation (DPC), Davao International Container Terminal, Inc. (DICT) at Pearl Farm Beach Resort.

Ayon naman kay Provincial Police Chief PSSupt. Samuel Gadingan, na makatutulong ng malaki ang gun ban sa kanilang security preparations. 



http://www.balita.net.ph/2015/05/01/gun-ban-ipinatupad-sa-davnor/