DAVAO DEL NORTE- Kasabay sa pagkawasak ng anim pang swimming records,
nagpatuloy pa rin sa pag-alagwa ang delegasyon ng National Capital
Region (NCR) sa overall medal hall ng 2015 Palarong Pambansa dito sa
Davao del Norte Sports and Tourism Complex sa Tagum City.
Matapos humakot ng walong gintong medalya sa unang araw ng
kompetisyon, naidagdag pa sa koleksiyon ng NCR tankers ang walong ginto
upang mas umangat sa medal standings.
Habang sinusulat ang balitang ito, nakalikom na ang NCR delegates ng
kabuuang 38 gold, 31 silver at 28 bronze medals para patatagin ang
kanilang pamumuno.
Gaya rin sa ginawa nila sa artistic competition, hinakot din nila ang gold medals sa rhythmic competition sa gymnastics.
Matapos makopo ang dalawang gintong medlya, isang individual at isang
team, nagwagi pa ng tatlong gold medal si Seth Isaak Martin para
pangunahan ang pamamayagpag ng NCR sa pool matapos magwagi sa elementary
boys 200 meter individual medley, 100 meter freestyle at 400 meter
medley relay kung saan ay nagtala sila ng panibagong meet record na
4:41.55 na bumura sa naunang record na itinala nila sa preliminaries na
4:41.75.
Ang iba pang gold medal winners ng NCR sa day 5 ng swimming event at
sina Miguel Barlisan sa secondary boys 200 meter breastroke (2:34.86) at
100 meter freestyle (54:85), Portia Kate Doragos sa secondary girls 200
meter breastroke (2:55.64), Jules Katherine Ong na nagwagi ng kanyang
ikalawang gold sa pamamagitan ng record breaking performance sa
elementary girls 100 meter freestyle sa tiyempong 1:02.28, ang kanilang
elementary girls 400 meter medley relay team (4:56.21), at secondary
boys 400 meter medley relay team sa pamumuno ni Sacho Ilustre sa isa na
namang record breaking performance sa tiyempong 4:07.00.
http://www.balita.net.ph/2015/05/08/ncr-di-matibag-sa-liderato/
No comments:
Post a Comment
Note: Only a member of this blog may post a comment.