Saturday, May 9, 2015

20 bagong rekord, naitala sa Palaro

DAVAO DEL NORTE– Kabuuang 21 bagong rekord ang kasalukuyang naitala patungo sa huling araw ng kompetisyon sa 2015 Palarong Pambansa na ginaganap dito sa DavNor Sports and Tourism Complex sa Tagum City.

Anim na bagong rekord ang naitala sa athletics, tampok ang tatlong kinubra ng 16-anyos na si Jie Ann Calis ng Northern Mindanao sa track event habang 14 naman sa swimming, kasama ang limang rekord ni Maurice Sacho Ilustre ng National Capital Region (NCR).

Huling nagtala ng rekord sa athletics si Alexis Soqueno ng WVRAA na binura ang kanyang sariling 1.92 metro noong 2014 sa high jump. Inuwi nito ang ginto sa panibagong record na 1.95 metro.

Itinala naman ni Martin Esteban ng CLRAA ang bagong rekord sa Secondary Boys Triple Jump sa tinalon nitong 15.01 metro. Winasak nito ang dating rekord ni Mark Harry Diones ng Bicol Region na 14.44 metro noong 2010.

Ang bagong rekord ni Calis ay nagmula sa 800m, 1,500m at 3,000m.

Nagawa rin ni Efrelyn Democer na baguhin ang rekord sa Secondary Girls Javelin Throw sa pagbura sa dating rekord ni Stephanie Cimatu ng IRAA noong 2011 na 41.27 metro. Inihagis nito ang spear sa layong 42.34 metro.

Ikinasa naman ni Ilustre ang bagong rekord sa prelims at finals ng 200m butterfly (2:09.00 at 2:07.28), 400 medley relay (4:07.00), 800m free (8:50.34) at 100m butterfly (57.56).

Apat ang naging rekord ni Seth Isaac Martin ng NCR sa Elementary boys 100m backstroke (1:06.38), 4×50 medley relay (2:05.04), 400 medley relay (4:41.55) at 50m backstroke (29.64). 


http://www.balita.net.ph/2015/05/09/20-bagong-rekord-naitala-sa-palaro/

No comments:

Post a Comment

Note: Only a member of this blog may post a comment.